MIGUEL MALVAR Y CARPIO, ANG NAKALIMUTANG PRESIDENTE NG PILIPINAS.
Si Miguel Malvar y Carpio ay kilala bilang isang bayani ng Pilipinas na naging Heneral at lider ng rebolusyon. Siya ay nagmula sa Santo Tomas, Batangas. Bilang isang anak ng isang magsasaka, sumapi si Malvar sa kilusang rebolusyonaryo na pinamumunuan ni Heneral Emilio Aguinaldo laban sa kolonyal na pamamahala ng Espanya noong 1896. Si Miguel Malvar y Carpio ay isang magsasaka. Siya ay nag-aral sa pribadong paaralan ni Fr. Valerio sa bayan ng Santo Tomas, Batangas. Ngunit tumigil ito at naging kasosyo niya sa negosyo si Saturnina na kapatid ni Jose Rizal. Naging gobernadorcillo siya noong 1892. Pinamunuan niya ang isang maliit na puwersa laban sa militar ng Espanyol sa Tagaytay, Batangas. Tumakas siya sa Tagaytay at sumali sa rebolusyonaryong puwersa sa Cavite. Siya ay nakipaglaban sa sa Indang, Bailan, Magallanes at Alfonso. Nakipaglaban siya sa mga militar ng Espanyol noong 1896. Noong Marso 31, 1897 itinaas ang kaniyang katungkulan bilang tenyente heneral kung saan siya a...