MIGUEL MALVAR Y CARPIO, ANG NAKALIMUTANG PRESIDENTE NG PILIPINAS.
Si Miguel Malvar y Carpio ay kilala bilang isang bayani ng Pilipinas na naging Heneral at lider ng rebolusyon. Siya ay nagmula sa Santo Tomas, Batangas. Bilang isang anak ng isang magsasaka, sumapi si Malvar sa kilusang rebolusyonaryo na pinamumunuan ni Heneral Emilio Aguinaldo laban sa kolonyal na pamamahala ng Espanya noong 1896.
Si Miguel Malvar y Carpio ay isang magsasaka. Siya ay nag-aral sa pribadong paaralan ni Fr. Valerio sa bayan ng Santo Tomas, Batangas. Ngunit tumigil ito at naging kasosyo niya sa negosyo si Saturnina na kapatid ni Jose Rizal. Naging gobernadorcillo siya noong 1892. Pinamunuan niya ang isang maliit na puwersa laban sa militar ng Espanyol sa Tagaytay, Batangas. Tumakas siya sa Tagaytay at sumali sa rebolusyonaryong puwersa sa Cavite. Siya ay nakipaglaban sa sa Indang, Bailan, Magallanes at Alfonso. Nakipaglaban siya sa mga militar ng Espanyol noong 1896. Noong Marso 31, 1897 itinaas ang kaniyang katungkulan bilang tenyente heneral kung saan siya ay itinalagang pinuno ng lalawigan ng Batangas. Pinili bilang unang kaherang tagapamahala sa pondo ng rebolusyon. Pinangalanan bilang Commanding General sa katimugan ng Luzon. Itinatag niya ang punong tanggapan sa Lipa, Batangas, at responsable sa samahan ng mga ekspedisyon ng militar sa mga isla ng Visayas. Noong Marso, 1899, siya ay hinirang bilang Brigadier General, matapos ang pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Pagkatapos niyang makipaglaban sa puwersang Amerikano sa Muntinlupa, San Pedro Tunasan, Calamba, at Cabuyao, ay hinirang siya bilang Division-General at Chief of the Second Zone in Command. Nang mahuli si Heneral Aguinaldo, siya ang humalili at naging bagong commander-in-chief ng mga puwersang Pilipino. Dahil sa mas malakas ang puwersa ng mga Amerikano, isa-isang nahuli at sumuko ang heneral na kaniyang nasasakupan. Napilitan siyang sumuko noong Abril 16, 1902 sa tanggapan ni General Franklin J. Bell. Bilang pagkilala naman sa kanyang kapansin-pansin na tapang at pagkamakabayan, binigyan siya ng awtoridad ng Amerika ng isang marangal na pakikitungo at hindi siya pinabilanggo o pinatapon. Muli naman siyang sumabak sa larangan ng agrikultura at komersyo. Kaniyang tinanggihan ang ano mang trabahong may kinalaman sa politika.
Dahil sa kanyang katapangan at kabayanihan, naitalaga siya bilang pangunahing heneral ng mga rebolusyonaryo sa Timog Luzon. Sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, naging lider si Malvar sa pakikibaka laban sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Kinilala si Malvar sa kanyang kahusayan sa digmaan at sa kanyang pagtitiwala sa mga kasama sa pakikibaka. Pagkatapos ng labanan, nagsilbi siya bilang senador sa pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. Kaniyang binigyang diin ang pag-asang matatamo sa mga kabataang may sapat na determinasyon para sa bayan. Siya ay pumanaw noong October 13, 1911, sa Manila, Pilipinas, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay kinikilala pa rin siya bilang isang bayani at simbolo ng pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas.
References:
https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/09/talambuhay-ni-miguel-malvar.html?m=1
https://www.rappler.com/moveph/47769-petition-recognition-miguel-malvar/
https://www.esquiremag.ph/long-reads/features/miguel-malvar-a2212-20190909-lfrm
Comments
Post a Comment