Hindi ko pala dapat sisihin ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko kontrolado

Kaartehan lang yan.
Ang drama mo naman.
Dalawang linya na kadalasan naming naririnig. Ngunit ito ba ay wala lamang?
Ito ba ay hindi totoo?
Madrama lang ba talaga kami?
O sadyang hindi niyo lang kami maintindihan?
Sa likod ng mga nakangiting labi, sandamakmak na problema ang kinakaharap.
Unti-unti kaming dinudurog nito.
Binabalot at nalulunod sa kalungkutang hatid nito. Isa nga ba kaming mapagpanggap kung nakikita niyo kaming masaya ngunit sa loob ay durog na durog na.
Marahil ay mapagpanggap nga kami, mapagpanggap na kaya namin ang lahat.
Ubos na ubos at pagod na gusto nang sumuko sa lahat.
Nangangambang wala naman talaga silang pake at wala ka lang para sa kanila. 
Hindi ka mahalaga.
Walang nagmamahal sayo.
Mga salitang paulit ulit na bumubulong sa gitna ng kadiliman.
Isa, dalawa, tatlo.
Tatlong beses sinubukang tapusin.
Labis na pagdurusa't pagkalunod na parang wala nang hanging nalalanghap.
Sa madalim na kahon, pighati ay nakabaon. Paghihirap sa kadiliman kailan nga ba mawawakasan.
(Pebrero 02, 2023 mula kay Pauly Jean B. Abarera)

STRESS

Itinuturing ang “Stress” bilang isa sa mga problema ng karaniwang tao. Ang stress ay isang sitwasyon kung saan ang isang tao ay nakararamdam ng kahirapan, pagkabahala, labis na kapaguran at kawalan ng pagasa. Ayon kay Lyness (2007), ito ay isang paraan ng katawan para hamunin ang bawat indibidwal sa sitwasyong kinakailangan na may halong pokus, lakas, at pagkaalisto. Karamihan ng gawain sa paaralan ay may mga limitadong oras kaya naman ang mga studyante ay dito tinutuon ang tensyon at nabubuo ang tinatawag na stress. Ito ay dulot ng isang matinding suliranin na dumating o maaaring dumating sa buhay ng isang tao. Ito ay may iba’t-ibang anyo depende sa sitwasyon o pangyayari. Maaaring nagmula ang stress sa mga problemang pinansyal, di pagkakasundo sa pamilya, aksidente, pagiging biktima ng karahasan o iba pang trauma, interaksiyon sa kapwa (social interaction), akademiko, maging sa karelasyon at ipa ba. Ang stress ay nakakaapekto sa kahit na sino, mapa-bata man o matanda, at isa sa pinaka-naaapektuhan nito ay ang mga estudyante lalo na sa kolehiyo. Ang pagtaas ng libel ng stress ay ang pagbaba ng kalidad ng pag-aaral at gawain ng isang tao. 

Ang isang estudyante sa kahit na anong antas ay maaring makaranas ng bigat ng stress sapagkat may malaking hamon sa bagong antas ng pag-aaral at maging sa panibagong kapaligiran. Ayon sa pag-aaral ni Coehn (n.d), mayroong 80%na estudyante sa kolehiyo ang nagsasabing nakakaranas sila ng stress at ang 20% naman dito ay nagsasabi na madalas nilang nararamdaman ang stress sa araw-araw. Maaaring maapektuhan ng stress ang paraan ng pag-iisip, pakiramdam at pagkilos ng isang tao. Karamihan sa mga epekto ay mga normal na reaksyon sa mga kaganapan at sa paligid ngunit ang ibang reaksyon ay may kaakibat na masamang epekto sa katawan na nagpapababa sa kakayahan bilang isang indibidwal. 

Hindi maiiwasan ang stress, ngunit maaari kayong matutong pangasiwaan ito upang masiyahan  sa buhay at mabawasan ang pagkakasakit sa katawan o sa kaisipan. Siguro ay puwede ninyong ipagpatuloy ang mga gawain na nakatulong sa inyo upang maging panatag at nasa mabuting kalagayan noong naroroon pa kayo sa sitwasyong kaunti pa lamang ang problema. O baka maaaring kailangang subukan ang mga bagong paraan upang bawasan ang stress nang makapag-focus at magawa nang maayos ang mga bagay na nais natin gawin. Huwag hayaan ang sarili na malugmok sa mga negatibong naiisip at huwag mahihiyang humingi ng tulong kung kailangan mo ito. 

Nagdulot rin ng malaking epekto sa ating mga buhay ang pandemya ng COVID-19. 
Noong kasagsagan ng pandemya ay mas madaling makaramdam ang mga estudyante ng pagkabagabag, stress, pagkabalisa, lungkot, inip, depresyon, pag-iisa, o inis dahil sa pandemya. Sa panahong ito ay hindi nakalalabas ang mga estudyante at tanging sarili o pamilya lamang ang nakahahalubilo. Mabisang pangtanggal stress ang pakikipaghalubilo sa mga taong positibo na maaaring makatulong sa iyong nararamdaman.
Sourcehttps://www.who.int/philippines/emergencies/covid-19-response-in-the-philippines/impormasyong-pampubliko/mental-health

PRESYON
Kadalasan ay madaling naimpluwensyahan ang mga kabataan ng nasa paligid nila, at malaki ang posibilidad na mag dulot ito ng masamang epekto sa kanilang mga desisyon, pamumuhay, at perspektibo sa sarili. Halos 37 pusyento ng estudyante sa pilipinas ay nakakaranas umano ng academic anxiety, at ang mga pangunahing dahilan umano nito ay ang workloads ng isang subject, responsibilidad sa sarili, at mga presyon na natatamo niya sa kaniyang paligid o societal pressure

Ilan sa mga halimbawa nito ay:

Pang akademikong Presyon. 
(Academic Pressure)

Ito ay uri ng presyon na labis na nakaka impluwensya sa emosyon, pag iisip, at mga desisyon ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral, madalas ay ninanais ng kabataan na makakuha ng mataas na grado o marka katulad ng kaniyang mga kaklase. 

Ilan sa mga angkop o ugat nito ay ang sumusunod: 

• Presyon na dulot ng pagpuwersa ng mga magulang. 
(Parental Pressure
Ito ay madalas na nararanasan ng mga kabataan dahil sa pagpuwersa ng mga magulang na sila ay makapagtapos at magkaroon ng matataas na marka sa kanilang akademiko. 

• Ang presyon dahil sa impluwensya ng mga kabataang kaedad niya o kaibigan. 
(Peer Pressure
Ito ay halos nararanasan ng mga kabataan sa kadahilanang nais nilang matulad sa kaniyang mga kaedaran o kaibigan. Maaring mapressure ang isang indibidwal na sundin ang mga ginagawa ng kaniyang mga kaibigan, at isa sa mga ugat nito ay ang hindi sapat na emotional support na binibigay ng kaniyang mga magulang kung gayon ay hindi nagagabayan ang mga desisyon niya para sa sarili.

DEPRESYON

“Mabuti pa ay sumunod na lang ako sa kanya”
 Kadalasang sinasabi ng mga tao na gustong sumunod sa namayapa nilang minamahal. "Tatapusin ko nalamang ang aking paghihirap” 
mula sa mga taong nakararanas ng matinding problema at tanging kamatayan na lamang ang nakikitang solusyon. “Wala ng nagmamahal sakin” mula sa mga taong naiwan o napabayaan ng kani-kanilang pamilya o mga nasawi sa pag ibig. 

Kadalasan ng kaso ng suicide ay trauma sa pagkagahasa o di kaya'y mga pang aabuso. Maraming kabataan ang dumadaan sa sitwasyon na ito kaya ang sa tingin nilang  pinakamadaling solusyon ay kitilin ang kanilang buhay.
Ayon sa pag-aaral, malapit sa 1 sa 10 kabataan (8.9%) sa Pilipinas ang nakakaranas ng katamtaman at malubhang sintomas ng depresyon. Naitalang mas mataas ang bilang ng kababaihan (10.2%) na nakararanas nito kumpara sa kalalakihan (7.6%). Sa pagsusuri na isinagawa ng Rakuten Insight noong May 2022, 63 pursyento ng mga Pilipino ang nagsasabing mas lumubha ang stress at pagkabalisa na naranasan nila sa panahon ng pandemya.

Sa panahon natin ngayon, samot-saring balita na ang ating naririnig, nababasa, at nakikita sa iba't-
ibang plataporma ng medya nandiyan ang tungkol sa droga, kahirapan, krimen, korupsyon at marami
pang iba. Sa lahat ng balitang ito, isa sa nakapukaw nang aking pansin ay ang pagtaas ng kaso ng depresyon sa ating bansa. Ngunit ano nga ba ang depresyon at paano nga ba ito nakakaaapekto sa isipan ng nakararami?

Ayon sa Pinoy Health Blog (2017), ang depresyon ay isang karamdamang pang-kaisipan kung saan ang tao ay nakararanas ng matinding kalungkutan. Kaakibat nito ang mga karaniwang sintomas na walang gana sa mga dati nilang gawain, hindi sila nakakatulog at nakararamdam na wala na silang silbi sa mundo kung kaya’t napagtatangkaan nilang magpakamatay. Sa tala ng World Health Organization, may mahigit sa
100 milyong tao ang may depresyon sa buong mundo at tinatantyang 703 000 katao kada taon ang namamatay dahil sa pagpapatiwakal sa buong mundo na kung saan ay talaga namang nakakabahala. Ang depresyon ay hindi lamang nararanasan ng mga kabataan ngayon ngunit pati na rin ng mga matatanda. Kahit sino ay pwedeng makaranas nito. Akala ng iba ito ay gawa-gawa lamang o di kaya ay simpleng sakit, ngunit hindi. Ang depresyon ay pawang isang halimaw na kung ikaw ay magpapatalo maaaring kikitil ito sa iyong buhay. Sa dami ng nangyayari sa paligid, mula sa pandemya, bagyo, at ang pagbabalik ng f2f classes, nagkakaroon ng kalituhan ang mga tao dahil sa malaking pagbabago na nararanasan. Sa isang iglap naging pawang stressful” na ang lahat mula sa school work” hanggang sa mga personal na mga problema, lahat ay naging mahirap na kung saan ay nakakaapekto sa isipan at emosyon ng isang tao. May mga taong pinipilit na maging masaya. Pinipilit na ngumiti sa kabila ng tinatamasa na sakit o problema na parang sinakluban na ng langit ang lupa. Dahil dito, nararapat lamang na maging maunawain at maalalahanin tayo sa mga tao sa ating paligid.
Dapat isipin muna natin ang bawat mensahe na ating bibitawan kung makakaapekto nga ba ito sa iba. Ang depresyon ay hindi biro. Kaya huwag nating kalimutang kumustahin ang mga taong malapit sa atin dahil ang simpleng pangangamusta o pagtatanong ng okay ka lang?” ay malaking bagay na para sa mga taong nakakaranas nito.

 Mental Health Awareness

Buwan ng Mayo ipinagdiriwang ang buwan ng “Mental Health Awareness” na nagsisilbing paalala na ang kalusugang pang kaisipan ay mahalaga lalo na sa mga taong nakararanas ng isyung pang kaisipan. Nangangailangan sila ng tulong, pag-unawa, pagmamahal, pagmamalasakit, at daan ng pag-asa kung saan makakayanan nila itong sugpuin.

Bakit mahalaga ang “Mental Health Awareness”?

Ito ay tumutulong upang maipaalam at mabigyan ng kaalaman ang publiko. Tinuturuan tayo nito na ang pagpapahayag ng damdamin at karanasan sa isyung pang kaisipan ay hindi dapat ikinakahiya. Hindi dapat ikinukubli at itinatago ang ganitong mga karanasan dahil ang bawal nararamdaman ng isang tao ay mahalaga. Ang pagbawas ng stigma na nakadikit o nakapaloob sa kalusugang pang kaisipan ay makatutulong sa iba. Dahil dito, mauunawaan nila na ang sakit sa kaisipan ay pwedeng gamutin (curable). Tumataas din ang kagustuhan ng tao na tumulong.  Ang sinumang nagbahagi sa kanilang sariling mga problema sa kalusugan ng kaisipan ay nakikinabang mula sa kaalam. Kasama dito ang mga nagdurusa sa depression, pagkabalisa, PTSD, bipolar disorder, at marami pa. Ang pagsira sa stigma ay magpapahintulot sa mas maraming mga tao na maabot ang tulong kapag naramdaman nila na sila ay nag-iisa.

Ayon sa LaunchCenter, Ang mga pag-uusap na nagtataguyod ng kamalayan sa kalusugan ng kaisipan ay ang pundasyon para sa pag-iwan ng stigma sa nakaraan. Ang pagtuturo sa iyong sarili at iba pa tungkol sa iba't ibang aspeto ng kalusugan ng kaisipan ay maraming pakinabang. Pinapanatili ka nito sa tuktok ng iyong sariling mga alalahanin. Bilang karagdagan, pinapalakas nito ang suporta para sa mga kaibigan, kasamahan, at pamilya na maaaring nakakaranas ng kanilang sariling sakit sa kaisipan. Maraming tao ang hindi marunong mag-usap tungkol dito. Itinaas ng kamalayan ang kanilang kakayahang magbukas at magsalita. Mahalaga ang kamalayan sa kalusugan ng kaisipan upang matulungan kang maunawaan ang iyong sariling mga sintomas. Nalaman mo na okay lang na umabot para sa tulong. Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pagtugon sa iyong mga alalahanin sa iyong manggagamot. Ang pagbabahagi ng iyong mga karanasan sa iba ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na mag-alok ng kanilang suporta. Gayundin, maaari silang magsalita tungkol sa kanilang sariling mga isyu. Pinapayagan ka nitong magbigay ng suporta at paghihikayat sa kanila. Ang kamalayan ay tiyak na isang two-way na kalye.
 https://launchcenters.com/why-mental-health-awareness-is-important/

Source: Charlene Joy Buan via Fb


Hindi ko pala dapat sisihin ang sarili ko sa mga bagay na 'di ko kontrolado. 

Kung hindi sa sarili sisimulan, saan ba dapat?
Maaaring nakakainip o nakakasabik.
Ngunit ang mahalaga ay nakarating ako.
Ayan na! Ang liwanag ay narito na.

Ang hirap at pasakit ay unti-unti nang nabubura,
damdamin ay bibigyang halaga,
Boses ng nakaraan ngayon ay maglalaho na,
mapait na sinapit wawakasan na.


Bigyan ng halaga ang iyong sarili, 'wag kang matakot na bigyan ng boses ang iyong mga dinanas. Isa ito sa layunin namin, ang maintindihan mo nang lubos ang iyong nararamdaman, nararanasan, at sarili, at bigyang kamalayan ang iba ukol sa mga isyung dinaranas ng mga kabataan lalo na sa eskwelahan. Hindi ito basta-basta lamang, dahil ang kalusugang pangkaisipan ng bawat tao ay mahalaga. Atin itong pahalagahan, bigyan ng importansya, iwasan ang mga bagay na makakaapekto, at maaaring magpalala rito. 


________________________________________________

Isinulat nina:
Pauly Jean Abarera
Jaressen Kyle Salcedo
Jackelyn Landagan
Guia Marice Espiritu
Cherrylyne Padua
Marc Ace Evangelista
Kristine Lara Romano

Kinuha nina:
Janiel Itol
Guia Marice Espiritu
Kurt Hearick Mangente
T-jay Brimbuela
Clark Saremo

Comments

Popular posts from this blog

MIGUEL MALVAR Y CARPIO, ANG NAKALIMUTANG PRESIDENTE NG PILIPINAS.